Ito ang karaniwang ginagawa ng mga bagong kasal. Halimbawa: Pagkalipas ng isang buwan ng kanilang kasal , sila ay tumungo sa Palawan para sa kanilang pulot-gata.
Category Archives: Uncategorized
Kan-sun-sil-yo
Isang uri ng damit pang ibaba na karaniwang sinusuot ng mga lalaki. Halimbawa: Si aaron paul ay bumili sa tindahan ng naka kansunsilyo lamang.
KUS-TAL
Isang lalagyan na gawa sa materyal na maaring ibalukot. Ito ay kadalasang ginagamit sa pagaaral at pamamalengke. Halimbawa: Hiniram ni kirt ang aking kustal dahil siya ay mag babakasyon sa baguio.
KA-SIL-YAS
Ito ay isang nakapirming bagay na maaring pag-ihian at pag dumihan. Halimbawa: Si aaron paul ay maghapon nakaupo sa kasilyas dahil sa sakit ng tiyan.
Na-a-pa-hap
Ang ibig sabihin nito ay makadiskubre o makahanap ng isang bagay gamit ang pag-aaral. Halimbawa: Naapahap nila na hindi talaga sila papasa dahil hindi sila nag-aral ng mabuti.
Nag-ku-ku-ma-kog
Ang ibig sabihin nito ay gumalaw, magpatuloy, o magmadali. Halimbawa: Nagkukumakog na tumakbo pauwi ng marinig ang balita na umuwi na ang kanyang mahal sa buhay.
Hi-ma-ton
Ang himaton ay isang katibayan na humahantong sa isa patungo sa solusyon ng isang problema. Halimbawa: Bigyan mo naman ako ng himaton, di ko mahulaan ang sinasabi mo.
An-lu-wa-ge
Ang anluwage ay isang manggagawa na nagtatayo o nag-aayos ng mga gawaing kahoy o sa kanilang mga istrukturang bahagi. Halimbawa: Ang tatay ni Michael ay isang anluwage.
AN-TI-PA-RA
Ang antipara ay nangangahulugang salamin sa mata. Isang bagay na ginagamit ng mga malalabo ang mata at ito ay isinusuot upang gawing panangga sa mga nakakasilaw na bagay. Halimbawa: Nagsusuot ng antipara si Joy upang mabasa ang kaniyang libro ng maayos.
KA-GAW
Ang Kagaw ay isa sa mga salitang filipino na malimit na lamang ginagamit at ito ay nangangahulugang “bakteriya o mikrobiyo” Halimbawa: Si Kenneth ay nagkaroon ng sakit sa tiyan dahil sa nahalong kagaw sa kaniyang pagkain.